Sunday, February 24, 2008

Installing Web console on Ubuntu Server (Pinoy Version)

Webmin is a web-based interface for system administration for Linux. Using any browser that supports tables and forms (and Java for the File Manager module), you can setup user accounts, Apache, DNS, file sharing and so on.


Very helpful po eto para mapamadali yung configuration and setup. Para po ndi maging miserable ang inyong buhay sa Linux.. Hehe


Bago po tayo magsimula siguraduhin nyo po na alam nyo ang inyong ginagawa.. Wag nyo akong sisihin pag mey masira sa inyong KOMPYUTER. Ndi po ako liable dyan.. ika nga sa salitang English " Do AT YOUR OWN RISK "

Kung ndi kayo sigurado o di kaya mey pag-aalinlangan.. wag na kayong magpatuloy..

ika nga sa english " BEWARE OF DOGS " hehe


Simulan na natin.. "Lets Volt in..!!"


Ang akin pong gamit ay.. Ubuntu Server 6.06 LTS (madali lang malaman tanungin lang si Google kung san pde mag download)

gamit ko po ay Pentium 12 na mey RAM na 8kb (ndi tunay na pangalan )

--------------------------------------------------------------------

Pre Requisite: Eto po ang perl-ssl kailangan po eto para magamit natin ang https function ng webmin (bale mas secure po kapag https ang gamitin kaysa http )

Code:
$ sudo apt-get install perl5 libnet-ssleay-perl


Kung kayo po ay tinatamad pde din kayo mag "skip" dito..




1) Kailangan natin mag-download ng webmin sa http://www.webmin.com/download.html

2) Kapag nasa shell window ka po ng ubuntu server paki type nlang po eto:

Code:
$ wget http://jaist.dl.sourceforge.net/sourceforge/webadmin/webmin-1.390.tar.gz


sa mga panahong eto nasa 1.390 ang version ng webmin

3) execute nyo po etong command para ma extract ang file:

Code:
$ sudo tar xzvf webmin-1.390.tar.gz


4) Hanapin nyo po ang extracted na directory ng webmin.. eto po ang command:

Code:
$ ls -l


5) Pasukin po ang directory sa pamamagitan ng:

Code:
$ cd webmin-1.390


6) I run po natin ang shell:

Code:
$ sudo sh setup.sh


Eto na po ang mga susunod na tanong ng setup file:

NOTE: Mas mabuti po na ilista ang mga sagot nyo sa tanong para po madaling hanapin mamaya kung magkaroon ng problema..

Code:
Config file directory [/etc/webmin]:

"as is" lang eto wag nyo palitan.. kung type nyo baguhin ok lang din.

Code:
Log file directory [/var/webmin]:

as is lang eto.. wag kalimutan ilista pag meron kayo papalitan dito.

Code:
Full path to perl (default /usr/bin/perl):

same padin as is na ito..

Code:
Web server port (default 10000):


Eto po ang default na port para makapasok sa webmin via browser. Mas mabuti po na wag nalang baguhin.. pero kung gusto nyo palitan no problem.. ( ang sa akin nga 2895321 dba mas sosyal para ndi ko makalimutan number ng phone ko.. hehe)

Note: wag po ninyong lagyan ng mga ports na common ginagamit.. Like port 80 port 8080 port 3128 port 901 port 443.. magkaka conflict po yan sa ibang web application.

Code:
Login name (default admin):


default po is admin. pero pde nyong palitan ng inyong pangalan.. pde din gamitin ang login name na: LASTIKMAN

Code:
Login password:


"falconpogi" po para masaya..


Note: Magkaiba po ang login name ng webmin.. Hindi po eto yung root account ng inyong system.

Code:
Use SSL (y/n):y


piliin ang yes (assuming na install nyo yung ssl-perl na nasa prerequisite)

Code:
Start Webmin at boot time (y/n):y


select y

Sa mga oras na ito nag-setup na ang webmin. kailangan nyo nlang pong magdasal na walang problema na mangyari.


Pag mey mensahe na ang kompyuter na:


Code:
Webmin has been installed and started successfully. Use your web
browser to go to:


...ibig sabihin tama ang inyong dasal.


Puwede nyo na pong subukan mag connect sa inyong ubuntu server gamit ang inyong paporitong browser..

Note: wag kayong gumamit ng Internet Explorer pangit yan!

I type nyo eto sa address bar:

Code:
https://hostipaddress:10000



Kung hindi nyo po alam ang inyong IP Address punta kayo sa inyong server at i type eto:

Code:
$ ifconfig




Kung sa itingin nyo po ay nakatulong itong aking post.. ikalat nyo lang po ang balita..


Mrami pong salamat.. sa Bello Group.. Kay Ricky Reyes..key Mama Rene sa aking make up.. Salamat po sa Metro Lifestyle.. at sa Anito Inn..



Eto po ay galing sa:

http://it1.com.ph/forum/viewtopic.php?t=2035

2 comments:

kath said...

hahahah nawindang ako dun..."caveat emptor, let the buyer beware..." so im not buying this... char, kidding!

Unknown said...

bong, i-add ko sa imo blogspot...mao ni ako weblink: www.andersonvilla.blogspot.com